
Pinakaapektado ng usok mula sa paputok ang mga batang may edad siyam na taong gulang pababa at mga senior citizen.
Batay sa surveillance ng Department of Health (DOH) ngayong linggo ng Pasko, apat na kaso ng bronchial asthma ang naitala sa mga bata at apat na kaso rin sa mga senior citizen.
Ayon sa DOH, mula December 21 hanggang December 26, 2025, umabot na sa 127 ang kabuuang bilang ng mga kasong stroke, heart attack, at bronchial asthma na kanilang namonitor.
Muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na mag-ingat ngayong holiday season sa pamamagitan ng pag-iwas sa labis na pagkain, regular na pag-eehersisyo, at pag-iwas sa paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.
Facebook Comments










