Mga bata, ipasyal sa open spaces, ‘wag sa mall – NTF special adviser

Iminungkahi ni National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa na ipasyal na lamang ang mga bata sa open spaces sa halip na dalhin sa mall.

Babala ni Herbosa sa mga magulang, posibleng malagay sa panganib ang kanilang mga anak kung masyado silang i-e-expose sa labas.

At dahil hindi pa bakunado ang mga bata, mainam aniya na dalhin na lamang sila sa mga lugar na hindi masyadong matao gaya ng parke o kaya ay bumisita na lang sa bahay ng mga kamag-anak.


Facebook Comments