MGA BATA MAGING MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO SA ALAMINOS, BUMIDA SA SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN

Daan daang mga taga Alaminos, bata at mga naghahanap ng trabaho ang kasama sa selebrasyong isinagawa ng lungsod ng Alaminos para sa Araw ng Kalayaan kahapon.
Isinagawa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Services Office ang Hundred Islands Kalayaan Job Fair na siyang nagbigay ng iba’t ibang klase ng trabaho at oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho sa lungsod.
Isinagawa rin ang World Day Against Child Labor kung saan binigyan ng pagpupugay ang mga batang nasa “Child Labor” at pagbibigay kaalaman ukol sa importansya ng karapatan ng mga bata na nakasaad sa R.A 9231 o an Act Providing for The Elimination Of The Worst Forms Of Child Labor And Affording Stronger Protection For The Working Child.

Opisyal rin inilunsad sa selebrasyon ang “Project Kabataan” kung saan naglalayon itong mabawasan at mapigilan ang tumataas na bilang ng mga batang nagtatrabaho. |ifmnews
Facebook Comments