Mga bata may edad 7 hanggang 16, sinasanay ng Maute Group

Manila, Philippines – Ipinakita ng military intelligence group ang mga litrato ng isinagawang pagsasanay ng teroristang Maute sa mga batang may edad pito hanggang 16 sa Maute training camp sa Butig, Lanao Del Sur.

Ayon kay Prof. Rommel Banlaoi Chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research – hinihikayat ng terorista ang mga bata na lumaban sa pamahalaan.

Aniya, sinasanay ang mga bata na humawak ng mga armas lalo na ang sniper weapon pati na din pagsusuot ng pang suicide bomber.


Ang nasabing mga bata ay sumasabak na din sa Marawi na nakakasagupa ng mga sundalo.

Facebook Comments