Nilinaw ng Technical Advisory Group (TAG) ng Department of Health (DOH) na maaaring mag-home quarantine o isolation ang mga bata na asymptomatic o mild ang sintomas ng COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng TAG na kung hindi posible ang home isolation ay dapat masiguro na may kasama ang batang may sakit sa pagdadalhan sa kaniya na pasilidad o ospital.
Hindi aniya pinapayagan na walang kasamang kaanak na nasa sapat na edad ang isang bata na tinamaan ng COVID-19 na kailangang dalhin sa quarantine facility o pagamutan.
Kasabay nito, idiniin ni Dr. Ong-Lim na maaari namang dumaan sa RT-PCR o antigen test ang isang menor de edad depende sa sitwasyon
Maaari naman aniyang gumamit ng swab na mas maliit ang bulak na akma sa ilong ng mga bata.