MGA BATA PINAYAGAN NANG MAKAPASOK SA ILANG MALL SA PANGASINAN

CALASIAO, PANGASINAN – Nagsimula nang dagsain ang ilang mall sa Pangasinan matapos payagan ang pagpasok ng mga bata dito.

Sa Robinson Place sa Calasiao, maaari nang pumasok ang edad lima at mag dine-in sa al fresco areas o open areas lamang.

Dahil sa pagsasailalim naman sa Alert Level 2 ng lungsod ng Urdaneta, pumayag na rin angf SM Mall Urdaneta na maari nang papasukin ang mga bata ngunit kailangan ang kasamang magulang o guardian ay fully vaccinated laban sa COVID-19.


Ang limited dine –in, gyms, personal services shops, arcades, and amusement centers ay bukas para sa fully vaccinated individuals.

Muli namang nagpaalala ang pamunuan ng mga mall sa probinsiya na sumunod sa IATF guidelines kahit pa niluwagan na ang quarantine status upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. ###

Facebook Comments