Mga bata sa Pilipinas, magiging “scapegoat” ng DU30 administration

Manila, Philippines – Naniniwala ang Human Rights Watch (HRW) na magiging mga “scapegoat” lamang ang mga bata sa Pilipinas kapag tuluyang naging batas ang panukalang magbababa sa juvenile criminal age liability.

Sabi ni HRW Asia Division Researcher Carlos Conde, masyado nang lantad ang mga kabataang Pilipino sa drug war ng Duterte administration kung saan maging ang mga inosente ay nadadamay.

Kapag naging batas aniya ang panukala, mas magagamit lamang ang mga kabataan para pagtakpan ang kapalpakan ng administrasyon.


Muli namang binigyang diin ni Conde ang nakasaad sa United Nations Committee on the Rights of the Child na dapat ay katorse anyos ang pinakamababang edad para sa juvenile criminal age liability.

Facebook Comments