Mga batang 5 taon pababa, dapat pa rin ingatan laban sa COVID-19

Pina-iingatan ng Department of Health (DOH) ang mga batang may edad 5 taon pababa.

Kasabay ito ng muling pagluluwag ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, maituturing silang vulnerable dahil hindi sila bakunado.


Inirekomenda ni Dr. Salvana na panatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay.

Samantala, nanindigan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang patuloy na pagpapalawak sa pagbabakuna ang dahilan kung bakit patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments