Makakaranas pa rin ng side effects ng COVID-19 vaccine ang mga batang babakunahan ng Pfizer.
Ito ang nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17.
Pero sa interview ng RMN Manila, pinawi ni FDA Director General Eric Domingo ang pangamba ng mga magulang ng mga bata dahil isinagawa aniya ang pagbabakuna sa mga ospital upang ma-monitor nang maayos.
Sa ngayon, Pfizer muna ang ginagamit na bakuna dahil sa kakulangan ng supply ng Moderna na una na ring inaprubahan ng FDA para sa mga bata.
Facebook Comments