Mga batang bakunado, papayagan nang makapasok sa Hong Kong

Inanunsyo ng Hong Kong government na papayagan na nilang makapasok sa kanilang teritoryo ang mga batang bakunado.

Gayunman, obligado pa rin silang sumailalim sa quarantine pagdating sa Hong Kong depende sa bansa na kanilang panggagalingan.

Kapag ang batang inbound traveler ay magmumula sa bansa na nasa Group A classification ng Hong Kong, sila ay sasailalim sa 21 araw na mandatory quarantine.


Kapag magmumula naman sa Group B country, sila ay sasailalim sa 14 na araw na quarantine

Maging ang Hong Kong residents ay obligado ring sumailalim sa naturang quarantine protocol.

Facebook Comments