MGA BATANG EDAD 14 PABABA PAPAYAGAN NG MAKAPASOK SA MINOR BASILICA OF OUR LADY OF MANAOAG

MANAOAG, PANGASINAN – Papayagan ng makapasok ang mga batang edad 14 pababa sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.

Sa anunsyo ng simbahan, kailangang kasama ng mga ito ang kanilang magulang o guardian na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Bago pumasok sa simbahan kailangang ipresenta ng mga magulang ang kanilang vaccination card.


Nilinaw naman ng simbahan na maaaring pumasok ang edad 15 pataas kahit hindi bakunado.

Inilabas naman na ang schedule para sa Misa De Gallo dito na magsisimula sa December 16, 2021, 4: 30 ng umaga at sa Simbang Gabi na magsisimula ng December 15, 2021 sa 6: 30 ng gabi. | ifmdagupan

Facebook Comments