Mga batang edad 2 pababa, tinamaan ng COVID-19

Kinumprima ng Department of Health (DOH) na mataas ang bilang ng mga batang nasa dalawang taong gulang pababa ang nagkakaroon ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula ito sa age group na zero hanggang 19 years old.

Aniya, nakita rin nila na mataas ang mga tinatamaan ng virus sa mga 15 hanggang 19 taong gulang kumpara sa ibang edad.


Dahil dito, sinabi ni Vergeire na pinag-aaralan pa ng mga eksperto kung bakit mataas ang mga kaso sa mga batang dalawang taong gulang pababa.

Nagpaalala naman ang DOH sa mga magulang o guardian na tiyaking nasusunod ang minimum health protocols at bantayang mabuti ang mga bata lalo’t pinapayagang na ang limang taong gulang pataas na malabas ng bahay.

Facebook Comments