MGA BATANG EDAD 5-11 MAARI NANG MAGPAREHISTRO PARA SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 SA CONDRADO F. ESTRELLA REGIONAL MEDICAL AND TRAUMA CENTER

ROSALES, PANGASINAN – Maaari nang i-parehistro ang mga batang edad 5-11 para sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa Condrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center.

Ang gagamiting bakuna sa nasabing kategorya ay Pfizer.

Ang pre-registration ay paraan upang makabuo ng masterlist ang hospital habang hinihintay ang schedule ng Bakunahan sa Ilocos Region.

Sa mismong page ng hospital, makikita ang QR code na kailangang i-scan upang makapagparehistro o di kaya ang link na matatagpuan sa kanilang facebook page.

Maaari din magtungo sa hospital mula alas 8:00-3:00 ng hapon.

Ang pagbabakuna sa edad 5-11 ay magsisimula ngayong buwan nang magkaroon din ng dagdag proteksyon ang mga bata laban sa nakakahawang sakit. | ifmnews

Facebook Comments