Umabot na sa mahigit 38,000 na mga batang edad 5 hanggang 11 ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, nasa 38,308 na mula sa nasabing age group ang naturukan batay sa huling update kagabi.
Sa nasabing bilang, 37,640 ay naitala sa National Capital Region (NCR).
Apat lamang ang nakaranas ng non-serious side effects ng bakuna gaya ng pananakit ng injection site, skin rush, lagnat at pagsusuka.
“Naging successful ang kalakaran, wala tayong narinig na masyadong mga iyakan.”
“In terms of the side effects, meron tayong apat na naitalang non-serious side effects dito sa NCR kasi sila naman ang pinakamaraming nabakunahan, but these are all resolved, ibig sabihin, pagaling na yung mga bata,” dagdag ni Cabotaje sa panayam ng RMN Manila.