Mga batang edad 5 hanggang 11 na nagparehistro sa Muntinlupa para sa COVID vaccination, halos 10,000 na

9,653 na mga bata sa Muntinlupa City na may edad 5 hanggang 11 ang nagpatala na para sa bakuna kontra COVID-19.

1,025 sa mga ito ay may comorbidity habang 8,628 ang mula sa pediatric population.

Ayon kay Muntinlupa City Health Office acting Chief Dr. Juancho Bunyi, ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11 ay gagawin sa Laguerta Health Center sa Brgy. Tunasan at sa Ospital ng Muntinlupa sa Brgy. Alabang.


Sila ay bibigyan ng sampung microgram/dose concentrate ng Pfizer COVID-19 vaccine at ang ikalawang dose ay ibibigay makalipas ang tatlong linggo

Ang pilot vaccination rollout para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 ay gagawin sa February 4 sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North EDSA (Skydome), at Fil Oil Gym sa San Juan City.

Facebook Comments