Cauayan City – Isa sa mga pangunahing problema ng Barangay Minante 2 ay ang paggamit ng boga ng mga menor de edad.
Sa panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Maria Lauren Regondola, inihayag niyang nababahala ang kanilang pamunuan dahil may mga batang kasing bata ng anim na taong gulang na gumagamit ng boga.
Aniya, bilang pagtugon sa problema ay kanilang kinakausap ang mga magulang ng mga batang nahuhulihang gumagamit ng boga upang hindi na gumamit ang mga ito at maiiwas sila sa anumang kapahamakan na maidudulot ng boga.
Bukod sa panganib na dala ng paggamit ng boga, iniinda rin ito ng mga residente dahil sa ingay na sanhi nito, na madalas makaistorbo sa kanilang pamamahinga.
Upang matugunan ang suliranin, nagtutulungan ang mga opisyal ng Minante 2 sa pagbabantay at pag-monitor, lalo na sa mga kabataang gumagamit nito.
Patuloy silang nananawagan sa mga magulang na bantayan at disiplinahin ang kanilang mga anak upang maiwasan ang ganitong mga aktibidad.