Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) magsagawa ng rescue operation para sa mga batang miyembro ng Soccoro Bayanihan Services Inc., sa Surigao del Norte.
Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na nakaantabay lamang sila anumang oras para rito.
Ayon pa sa kalihim, hinihintay lamang nila ang magiging resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad at ng lokal na pamahalaan upang agad maisulong ang social protection ng mga bata sa nasabing komunidad.
Sa oras aniyang mailigtas ang mga bata mula sa kamay ng grupo, sinabi ni gatchalian na isasa ilalim sa rehabilitasyon at reintegration sa komunidad ang mga ito.
Nauna nang nagbigay ng pahayag ang ilang batang nakatakas mula sa grupo na hindi sila pinag-aaral habang ang iba ay sapilitang ipinasisiping sa kanilang lider o ipinakakasal sa hindi naman nila gusto.