Tumaas ang bilang ng mga batang mababa ang timbang ayon sa National Nutrition Council o NNC Region 1 base sa SWS Survey o ang tinatawag na Social Weather Stations.
Ayon kay Kendall A. Gatan ang OIC ng NNC Region 1, malaki ang naging epekto ng pandemya pagdating sa nutrisyon ng mga bata dahil naging malaking pagsubok ang food security noong pre pandemic hanggang sa ngayon.
Dagdag pa nito, dahil din sa pandemic kakaunti ang naipatupad ng programa ng ahensya dahil sa banta ng nasabing sakit.
Sa ngayon, umaasa ang ahensya na kanilang mabawasan ang bilang ng mga batang bumaba ang timbang sa buong rehiyon, sa datos na nagmula sa nasabing ahensya 1 sa 100 bata sa rehiyon ay bansot o stunted, 3 sa isang daang bata ang overweight, at underweight.
Samantala, dahil ngayong hulyo ay selebrasyon ng Nutrition Month hinikayat ng ahensya ang publiko sa kanilang mga inihandang programa upang malabanan ang malnutrisyon. | ifmnews
Facebook Comments