MGA BATANG MAG-AARAL SA ALAMINOS CITY, NATUTO TUNGKOL SA AQUACULTURE SA EDUCATIONAL TOUR

Dalawampu’t dalawang batang mag-aaral mula sa Alaminos City ang bumisita sa BFAR Regional Mariculture Techno-Demo Center (RMaTDeC) sa Lucap bilang bahagi ng kanilang community learning activity.

Sa guided tour, kinilala ng mga bata ang iba’t ibang yamang-dagat gaya ng siganid, sea cucumber, sea urchin, oyster, abalone, at seaweeds.

Nagkaroon din sila ng pagkakataong makahawak at makamasid nang malapitan sa ilang buhay na species.

Pinagmasdan din nila ang natural food organisms sa ilalim ng microscope at natutunan ang proseso ng pagsusuri sa Marine Biotoxin Laboratory para matiyak ang kaligtasan ng seafood.

Upang masigurong ligtas at organisado ang pagbisita, naghanda ang mga personnel ng exhibit area at inihatid ang mga mag-aaral sa piling bahagi ng pasilidad.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga bata sa aquaculture at hikayatin silang mapahalagahan ang pangangalaga sa yamang-dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments