Mga batang manlalaro, isiniksik sa truck para makarating sa paligsahan

Courtesy James Factor

Kasalukuyang sinisiyasat ng Department of Education (DepEd) ang viral photo ng mga batang estudyanteng nakatayo at isiniksik sa isang truck patungo sa provincial meet sa Palawan.

Sa larawang ibinahagi ni James Factor noong Nobyembre 3, mapapansing walang bubong, nagkukumpulan, at mistulang sardinas ang mga atletang sasabak sa kompetisyon.

Courtesy James Factor

Courtesy James Factor

Kuwento ng netizen, nanggaling sa bayan ng Rizal ang mga student athlete at papunta sa lalawigan ng Bataraza.

Ipinatawag na ng kagawaran ang district supervisor sa naturang lugar para ipaliwanag ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga manlalaro.

Ayon kay Grace Estefano, Information Officer ng DepEd, responsibilidad at dapat may inilaang pondo ang lokal na pamahalaan sa mga kalahok ng palaro o iba pang paligsahan.

Paglilinaw ni Vice Mayor Norman Ong, hindi kaagad naasikaso ang bus na gagamitin sana ng mga batang manlalaro.

Aniya, pinag-uusapan na nila sa session ang nasabing pangyayari.

Gaganapin ang provincial meet mula Nobyembre 10 hanggang 15.

Facebook Comments