Nasa 0.27% lamang ng mga nasa edad 12 hanggang 17 na may comorbidity ang nakaranas ng side effect ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay may kabuuang bilang na 59 na mga kabataan.
Karamihan aniya sa mga ito ay nakaranas ng pananakit ng katawan, pagsakit ng ulo at lagnat.
Habang tatlong bata naman aniya ang naitalang nagkaroon ng seryosong adverse event ng bakuna matapos magka-allergy.
Sa ngayon, 40,419 na ang mga batang may comorbidity na nabakunahan kontra COVID-19.
Facebook Comments