Kasabay ng patuloy na pag- arangkada ng National Vaccination program ng pamahalaan, maganda rin ang itinatakbo ng ginagawang pagbabakuna sa hanay ng mga kabataan.
Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa katunayan ay nasa higit 9 milyong nasa edad 12-17 ang nakatanggap na ng bakuna.
7 milyon dito ay mga nakatanggap ng 1st dose habang nasa 2.1 million naman ang kumpleto na ng bakuna.
Sinabi pa ni Galvez na kapansin pansin na maraming ang nagpabakunang mga bata nuong unang round ng Bayanihan, Bakunahan.
Kaya naman ngayong 2nd round ng malawakang bakunahan, umaasa ito na mas marami pa ang mababakunahan upang bago matapos ang taon ay makamit ang population protection.
Facebook Comments