Mga batang palaboy sa Roxas Boulevard, hindi itatago ng pamahalaan sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ni Department of Social Welfare and Development Council for the Welfare of Children Executive Director Mary Cajayon-Uy na hindi nila itatago ang mga bata sa mga lugar na malapit sa ASEAN Events ngayong buwan.

Ayon kay Uy, ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mapagkunwari kaya hindi nila itatago ang mga bata tulad ng ginawa noong nakaraang administrasyon.

Kung ano aniya ang nakikita ay yun ang dapat makita, pero mayroon aniyang pondo na inilaan si Senador Loren Legarda na ginamit para sa mga Activity Centers para sa mga Street Children.


Kaya doon aniya ilalagay ang mga batang palaboy para doon makapaglaro, mapakain at makapag-aral.

Matatandaan kasi na mistulang ibinakasyon ng dating pamunuan ng DSWD ang mga informal settlers sa roxas boulevard noong dito sa Pilipinas ginanap ang APEC Summit.

Facebook Comments