Mga batas na nagbabawal sa mga pribadong kumpanya sa pagbili ng COVID-19 vaccines, ire-review muli ng pamahalaan

Bubusisiin ng pamahalaan ang mga batas na nagbabawal sa pribadong sektor mula sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap ng mga concern ng ilang pribadong sektor tulad ng local tobacco firms na pinagbabawalang bumili ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong mga batas na nagbibigay ng legal na basehan para ipagbawal ito.


Pero nilinaw ni Roque na maaari namang repasuhin ang batas kung kinakailangan.

Nakatakdang pag-usapan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng iba pang sangay ng gobyerno.

Facebook Comments