Mga batas na nagdedeklara ng holidays sa ilang lugar sa bansa, nilagdaan ni PBBM

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga batas na nagdedeklara ng holiday sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kabilang sa mga pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 12103 na nagdedeklara sa April 16 ng bawat taon bilang special non-working holiday sa Marikina City, para sa kanilang founding anniversary.

Nakasaad sa batas na sakaling tumapat ang holiday sa school day, ay sususpendihin ang klase sa lahat ng antas sa Marikina.


Sa ilalim naman ng RA No. 12098, special non-working holiday ang April 2 ng bawat taon sa Antipolo City sa Rizal para sa kanilang cityhood anniversary.

Habang special non-working holiday rin sa Jan. 22 sa Guiguinto Bulacan para sa Halamanan Festival at foundation day ng:

  • Benguet, Nov. 23z
  • Cuenca Batangas, Nov. 7
  • Guinayangan Quezon, June 20
  • Kalibo Aklan, Nov. 3
  • Pavia Iloilo, Jan. 8
  • Cabadbaran City Agusan del Norte, July 28
Facebook Comments