Hinimok ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga nanalong alkalde na bigyang prayoridad ang mga environmental law.
Partikular rito ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o ang sistematiko at komprehensibong tugon sa usapin ng basura.
Giit ni Cimatu, nasa ilalim ng batas na pangunahing tungkulin ng mga Local Government Unit (LGU) ang waste segregation at disposal.
Bukod rito, dapat rin aniyang tutukan ng mga alkalde ang implementasyon ng Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 at Republic Act 9275 o ang Philippine Clean Water of 2004.
Sabi ng kalihim, hindi kakayanin ng mga itatalagang task force na ipatupad ang nasabing mga batas kung wala ang buong kooperasyon ng mga LGU.
Facebook Comments