Isinusulong na ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng mga bagong batas na susuporta sa mga planong pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang mga panukalang ito ay pagtitibayin ang ekonomiya, at palalakasin ang performance at financial standing ng mga industriya.
Batay sa weekly report ng Pangulo sa Kongreso, inilatag niya ang mga sumusunod na proposals:
- Pagbabawas ng Corporate Income Tax (CIT) rate mula 30 hanggang 25% simula Hulyo 2020 at iba pang investor-friendly platforms sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Bill
- Pag-amiyenda sa Agri-Agra Reform Credit Act na layong mapadali para sa mga bangko na makalikha ng bagong kapital sa sektor ng pagsasaka
- Pagpapahintulot sa mga bangko na ibasura ang non-performing loans at assets
- Pagbibigay ng financial assistance at access sa distressed businesses, kabilang ang Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs), at mga kumpanyang mahalaga para sa economic recovery.
Facebook Comments