Mga batas para sa kababaihan, at pagsusulong sa kanilang kapakanan, dapat siguraduhing naipapatupad ng mahigpit

Kaugnay sa pagdiriwang sa araw ng mga kababaihan ay iginiit ni Trade and Commerce Committee Chairman Senator Koko Pimentel ang pagtiyak na naipapatupad ng mahigpit ang mga batas para sa kapakanan ng mga kabahaihan.

 

ilan sa mga tinukoy ni pimentel ang Magna Carta of Women, gayundin ang First 1,000 Days Law at ang Expanded Maternity Leave Law.

 

kaugnay nito ay pinayuhan naman ni Senator Sonny Angara, ang mga pribadong kompanya na iprayoridad pa rin ang mga kababaihan sa pagkuha ng mga empleyado sa harap ng napipintong pagpapatupad ng expanded maternity leave.


 

diin ni Angara, matatag ang mga kababaihan at makakabuti sa pagnenegosyo ang pagpapatupad ng gender equality.

 

diin naman nina Senators JV ejercito at Grace Poe, hindi matatawaran ang galing nga mga pilipina at ang iba ibang papel na ginagamapanan ng mga ito araw araw.

 

itinuturing naman ni Sen. Bam Aquino na isa sa pinamagandang regalo sa mga nanay ang batas sa libreng kolehiyo na daan para matupad ang pangarap na mapatapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak at magkaroon ng magandang kinabukasan.

 

apela naman nina Senators  Leile de Lima at Nancy Binay, itigil na ang pag-atake, paghusga, pagmamaliit, exploitation at diskriminasyon sa mga kababaihan.

 

nanawagan naman si Senator Kiko Pangilinan na piliin sa darating na eleksyon ang mga botante na may respeto at masalasakit sa dignidad ng mga kababaihan.

 

para naman kay Dating Senate President Juan Ponce Enrile, dapat palaging ipaglaban ang karapatan, pagrespeto at pantay na pagtingin sa mga kababaihan.

 

masaya din si Enrile na natanggal na ang mga batas na mapang-api sa kababaihan, tulad ng mga tumutukoy sa ari-arian, pangangalaga ng mga anak, marital rape, at iba pa.

Facebook Comments