Pinare-review ni Senator Erwin Tulfo sa Senado ang mga batas na nagsusulong sa karapatan ng mga Persons with Disabilities (PWDs).
Inihain ni Sen. Erwin ang Senate Resolution 186 na nagaatas sa kaukulang komite na magsagawa ng oversight sa pagpapatupad n Batas Pambansa Blg. 344 o ang “Accessibility Law” at Republic Act 7277 o “Magna Carta for Persons with Disabilities”.
Napuna ng senador na sa kabila ng mga batas na pumoprotekta sa karapatan ng mga PWDs, kulang naman sa pagsunod dito ang mga pasilidad tulad ng mga matatarik na footbridge, transportasyon at mga gusali.
Inirekomenda ni Sen. Erwin na huwag nang bigyan ng building permit o aprubahan ang proyekto ng gobyerno na kulang sa mga mandatory accessibility feature para sa mga PWDs.
Isinusulong din ni Tulfo na gawing lifetime ang validity o bisa ng mga PWD IDs partikular lamang sa mga may permanenteng kapansanan at pagkakaroon ng sentralisadong database ng mga PWDs upang matiyak na sa lehitimong may kapansanan mapupunta ang mga benepisyo.










