Mga batikang filmmaker, tutol sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng MTRCB

Tutol ang mga kilalang movie directors sa panukala sa Senado na palawakin ang kapangyarihan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para saklawin ang mga streaming platforms tulad ng Netflix, Disney at HBO Go.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, nagpahayag si Film Maker at Director Carlos Siguion Reyna na buwagin na lamang ang MTRCB at hayaan nang mag-self regulate ang film industry.

Paliwanag ng batikang direktor, mayroong censorship powers ang MTRCB na labag sa “freedom of expression” na nakasaad sa konstitusyon at sa UN Universal Declaration of Human Rights.


Sinusugan din ito ng isa pang filmmaker na si Erik Matti at sinabing pagkatiwalaan ang self-regulation ng film industry dahil nakatulong ang ganitong pamamaraan sa movie industry ng South Korea.

Sang-ayon din dito ang Presidente ng Director’s Guild of the Philippines Incorporated na si Mark Meily.

Kinontra naman ito ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio na mayroong media ratings board ang South Korea ay kailangang manatili ng MTRCB sa bansa para matiyak na ligtas para sa lahat ang mga panoorin at mapangalagaan ang kultura at kaugalian ng mga Pilipino.

Facebook Comments