Sumampa na sa mahigit tatlong daang libong mga bawal na campaign posters at tarpaulin ang binaklas ng mga tauhan ng Philippine National Police at mga local representative ng Comelec.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac sa mga binaklas na ito mahigit limang libong indibidwal ang naaresto.
Bukod sa mga binaklas na mga bawal na mga campaign materials, aabot na rin sa mahigit 4,400 mga baril ang nakumpiska kaugnay sa umiiral na gunban at mahigit 42,000 na mga deadly weapons.
Sa ngayon 33 election related incident na rin ang naitatala ng PNP simula nang magsimula ang election period.
21 sa mga election related incidents na ito ay shooting incident.
Sa mga insidenteng ito 14 ang naitatalang namatay, 22 sugatan at 24 ay hindi nasaktan.