Mga Bawal sa Biking Area Alamin!

Baguio, Philippines – Inaasahang ipapatupad ng City Council ang bagong ordinansa na nagbibigay ng bagong guidelines sa mga non-motorized wheeled vehicle sa Burnham Park.

Base sa ordinance no. 77-18 ay kailangan na munang magproseso ng lisensya sa City Environment and Parks Management Office o CEPMO ang mga nag papa-upa ng mga bisikleta bago sila mag operate.

Bawal na rin magrenta ng bike ang mga batang 12 years old and below at ipinagbabawal na rin ang mga studyante tuwing may pasok maliban na lamang kung may kasamang magulang o guardian.


Base rin sa ordinansa ay may itinalagang fixed price na dapat sundin sa pagrenta ng mga bike.

Samantala 6 am naman hanggang 10 pm ang operating hours na dapat sundin ng mga Bike Operators na maari namang mag extend ng 12 mn tuwing summer.

Ipapatupad ng CEPMO ang bagong ordinansa sa tulong ng Baguio City Police Office.

Facebook Comments