Mga bayan sa Maguindanao apektado ng Gyera at Tag-init

Problemang hatid ng Natural at Man Made Calamity ang kinakaharap ngayon ng mga residente ng ilang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.

Bukod kasi sa matinding init ng panahon na nagresulta sa pagkakaapekto ng 28 bayan ng lalawigan, tatlo rito ay nagdeklara na ng Under State of Calamity, dumagdag pa ang nagpapatuloy na opensiba ng military kontra BIFF na nagresulta sa paglikas ng mahigit sa anim na libong pamilya.

Sa panayam ng DXMY mula kay Vic Guiabal, Maguindanao Provincial Agriculturist, sinasabing mahigit 129 Million pesos na halaga ng pananim ang nasira dahil sa matinding init ng panahon. Kabilang sa apektado ay mga magsasaka ng Palay at Mais.


Nauna na ring nakapagdeklara ng under state of calamity ang mga bayan ng Talitay, Pagalungan at Datu Montawal bunsod na rin epekto ng matinding init ng panahon.

Samantla, bukod sa natural calamity, apektado rin ng man made calamity ang 7 bayan sa second district ng Maguindanao na kinabibilangan ng Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Shariff Saidona Mustapha, Datu Unsay, Shariff Aguak at Mamasapano.

Humigit 6 na libong pamilya ang lumikas ayon pa kay Atty. Raissa Jajurie , Minister ng Social Services ng BARMM. Pahirapan naman ang ginagawang monitoring sa ground dahil na rin tensyon na hatid ng sagupaan dagdag ni Minister Jajurie.

GOOGLE PIC

Facebook Comments