MGA BAYAN SA PANGASINAN, NABAHAGIAN NG MGA SENTINEL PIGLET

Umabot sa 2,000 sentinel piglets ang nabahagi sa 36 na bayan sa Pangasinan mula sa Department of Agriculture (DA) bilang bahagi ng kanilang recovery program mula sa mga naapektuhan ng Africa Swine Fever. (ASF)
Ayon kay Assistant Provincial Veterinary Jovito Tabajeros, lahat ng nabahaging piglet ay nagnegatibo sa ASF test at sumailalim rin sa 40-day observation ang mga nasabing biik.
Dagdag pa niya, isasailalim muli sa 90–120-day observation ang mga sentinel upang makumpirmang na ang mga ito ay maideklarang negatibo at makapagsimula sa Hog Repopulation.

Sa ngayon, hinihintay pa ang second batch ng sentinel piglets na ibabahagi sa mga piling bayan ng Laoac, Mangaldan, Asingan at Natividad sa susunod na linggo. |ifmnews
Facebook Comments