Mga bayaning health workers sa bansa, tila nagmamakaawa pa rin na makuha ang nararapat na benepisyo

Nakakalungkot na ang mga tinatawag ngayong makabagong bayani ang siya pang tila nagmamakaawa ngayon na ibigay na ang kanilang nararapat na benepisyo para sa paglilingkod sa gitna ng laban kontra COVID-19 pandemic.

Ito ang naging pahayag ni Roldan Jao, isang nurse assistant sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City matapos na magsagawa sila kanina ng kilos protesta sa harap ng ospital.

sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Jao na hindi matatapos sa posibleng pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanilang pag-iingay lalo na’t hindi pa nakukuha ang mga benepisyo kagaya ng Special Risk Allowances.


Mas malaking problema rin aniya ngayon ang kanilang kinakaharap matapos na magbitiw ang ilang medical workers ng naturang ospital noong nakaraang linggo.

Bukod sa mga nagresign na nurses, ilan pa sa kanila ang kasalukuyang naka-quarantine matapos ma-expose sa COVID-19.

Facebook Comments