Mga bayarin sa unclaimed o impounded motor vehicles na isinailalim sa auction ng LTO, planong ibaba

Plano ng Land Transportation Office (LTO) na ibaba ang mga bayarin para sa mga naka-impound na sasakyan na isasalang sa pampublikong subasta.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, pinag-aaralan na ng ahensya ang mga probisyon ng Department Order No. 93-693 , partikular na ang tungkol sa impounding fee at iba pang bayarin.

Kasunod na rin ito ng mga reklamo sa auction ng ilang tanggapan ng ahensya dahil kasing mahal din ng bagong motorsiklo ang mga ipinasusubasta kahit hindi na umaandar.


Ikinukonsidera din ng LTO na i-donate na lang sa iba pang ahensya ng gobyerno at state colleges and universities ang mga sasakyan na hindi mabibili sa public auction.

Magagamit umano nila ito sa kanilang training para sa Automotive at Land Transport courses.

Facebook Comments