MGA BAYBAYIN AT SHELLFISH PRODUCTS MULA SA WESTERN PANGASINAN, MALAYA SA RED TIDE TOXIN

Nanatiling malaya mula sa nakakalasong red-tide ang mga baybayin at shellfish products mula sa Western Pangasinan.

Base sa inilabas na Shellfish Bulletin no. 8, series of 2025 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1, kinabibilangan ito ng mga katubigang sakop sa mga bayan ng Bani, Bolinao, Anda, Sual, Infanta at Alaminos City, maging ang mariculture areas na sakop ng Rosario at Sto. Tomas sa La Union.

Ibig sabihin, ligtas din itong kainin at maaaring ibenta sa mga pampublikong pamilihan.

Samantala, walang nakikitang paggalaw sa presyuhan ng ilang mga shellfish products tulad ng tahong, lukan, talaba at iba partikular sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments