MGA BAYBAYIN SA PANGASINAN, TINUTUTUKAN KASUNOD NG HOLIDAY SEASON

Ngayong inaasahan ang dagsa ng mas maraming tao sa mga pook-pasyalan kasunod ng Holiday Season, mas pinaigting pa ng awtoridad sa lalawigan ng Pangasinan ang pagbabantay sa mga dinarayong lugar sa probinsya.

Sa Tondaligan Beach, Dagupan City at Lingayen Beach, nakadeploy ang mga kawani ng Coastguard maging ng DRRMs upang mabantayan ang magiging lagay ng mga beachgoers.

Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga tutungo sa mga baybayin mula sa bantang posibleng maidulot tulad na lamang ng pagkalunod.

Bagamat wala ring nakataas na gale warning sa lalawigan ayon sa PAGASA, inabisuhan na ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na pansamantalang itigil muna ang pagpapalaot.

Samantala, bukod dito, muling iginiit ng awtoridad sa publiko ang tamang pagtatapon ng basura upang mapanatili ang kalinisan sa mga baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments