Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), posibleng maapektuhan ng tsunami ang mga baybaying barangay ng Dagupan City sakaling tumama ang isang magnitude 8.3 na lindol sa bahagi ng Manila Trench.
Bilang tugon, muling pinaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang publiko hinggil sa pagpapatupad ng Tsunami Preparedness Strategy na inilunsad noong 2016 sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Kabilang sa mga hakbang ang paghahanda at pagpaplano ng bawat pamilya, at ang agarang paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation center, paaralan, o pribadong gusaling aprubado ng lungsod sa oras na tumunog ang sirena ng babala mula sa DOST.
Hinikayat din ang mga residente na makinig sa mga opisyal na abiso at sundin ang direktiba ng mga lokal na opisyal upang matiyak ang kanilang kaligtasan.









