Nakitaan ang pagdami ng mga beach goers maging ang mga naliligo sa dagat partikular sa Bonuan Tondaligan Beach sa kabila ng ipinatupad kamakailan na No Swimming Policy.
Matatandaan na alinsunod ito sa isa sa mga paghahandang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga Dagupeño sa magiging epekto ng bagyong Betty.
Ngunit bagamat ipinatupad ito ay marami pa ring naligo sa mga dagat, araw mismo ng pagpapatupad nito.
Ayon sa ilang nakapanayam na beachgoers, maalinsangan ang panahon kahit pa may bagyo.
Samantala, kaugnay pa rin nito ay nakahanda naman ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga magiging posibleng epekto ng bagyong Betty sakaling maranasan ito sa lungsod.

Facebook Comments