Nagbigay paalala sa mga beachgoers ang mga lifeguards sa bahagi ng Bonuan Tondaligan beach ukol sa ligtas na pagligo sa dagat at maiwasan na mabiktima ng lason ng dikya.
Mas delikado umano kung kumapit ang mga dikya sa katawan ng tao dahil maaaring mahihirapan huminga ang makakapitan dahil sa lason mula dito.
Ayon sa mga lifeguards, araw-araw umano silang nagbibigay abiso sa mga bumibisita na mag-iingat sa pagligo dahil maaaring may mga naaanod na dikya malapit sa baybayin at maaaring kumapit sa kanilang mga balat.
Mayroon naman umanong dalang first aid ang mga life guard na nakahanda upang magamot ang mga posibleng mabiktima.
Mainam umano kung magsusuot ng damit na maaaring maprotektahan ang balat habang naliligo lalo ngayong mainit ang panahon.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin umano ang dagsa ng mga beachgoers sa naturang beach lalo tuwing araw ng weekends. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨