Mga benepisyaro ng 4P’s na gustong magpabakuna, dumami pa – DSWD

Dumami pa ang beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) na gustong magpaturok ng COVID-19 vaccine kumpara noong nagsisimula pa lamang ang rollout nitong Marso.

Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development sa gitna ng isyu ng “no vaccine, no subsidy” policy para sa 4P’s beneficiaries na iminumungkahi ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Dswd Assistant Secretary Glenda Relova, naging matagumpay ang information campaign ng kanilang ahensiya.


Samantala, sinabi naman ni 4P’s Party-list Spokesperson Atty. Norman Tansingco na hindi dapat ipagkait sa mga mahihirap ang subsidy lalo na kung ayaw lamang nilang magpabakuna.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Tansingco na dapat siguruhin muna ng pamahalaan ang sapat na supply at access sa COVID-19 vaccines.

Ang 4P’s ay programa ng pamahalaan na layong magbigay ng ayuda sa mga itinuturing na pinakamahihirap na Pilipino.

Una nang sinabi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na 12 porsyento pa lamang o 526,000 indibidwal mula sa 4.3 million ang naturukan ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments