
Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na malaki ang maitutulong sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang kanilang isinagawang dalawang araw na digital financial literacy session sa lalawigan ng Romblon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao bukod sa dalawang araw na Digital Financial Literacy Session ay ang pamamahagi ng mga smart phone na donasyon naman ng Globe Telecom sa 50 program beneficiaries.
Paliwanag pa ni Dumlao na ang 17 sa kanila ay miyembro ng Indigenous People’s o IP group, mula sa mga munisipalidad ng Romblon, San Fernando, at Cajidiocan.
Dagdag pa ng opisyal na ang inisyatibang ito ay para bigyan ng kapangyarihan ang mga 4Ps benefeciary lalo na ang mga nakatira sa geographically isolated and disadvantaged areas at ang mga nasa Level 1 o yong tinatawag na Survival Level of Well-Being.









