Mga Benepisyaryo Ng Cct Program, Makakatanggap Ng Isanlibong Dagdag Na Rice Allowance

7

MANILA – Makakatanggap ng isang libong pisong dagdag na rice allowance kada buwan ang mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer Program O CCT.Ayon kay Senate Committee on Finance Loren Legarda, magiging P2,400 na ang matatanggap kada buwan ng mga benepisyaryo ng CCT.Naglaan din anya ng pondo para sa mga community based program para sa kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga.Bukod dito, may pondo na rin sa pagpapatayo ng mga dagdag na rehabilitation centers.Sa Enero ng susunod na taon, sinabi din ni Legarda na makikipagpulong siya sa mga kinatawan ng ibat-ibang ahensya para maisaayos ang paglalaan ng pondo para sa taongbayan.

Facebook Comments