Mga benepisyaryo ng repormang pang-agraryo sa BARMM, hinimok ni PRRD na ‘wag ibenta ang kanilang mga lupa

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga benepisyaryo ng Agrarian Reform Program sa BARMM na pahalagahan, ingatan at pagyamanin ang kanilang mga lupang ipinagkaloob ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na umaasa siyang hindi ibibenta ng mga benepisyaruo sa kung kaninong mayamang tao ang lupang pangsakahang ibinigay sa kanila ng pamahalaan.

Kasabay nito ay inatasan ni Pangulong Duterte si Mindanao Development Authority Chairperson Many Piñol na palakasin ang lokal na agrikultura sa BARMM.


Gusto ng Pangulo na bigyan ng traktora ang mga magsasaka roon para makatulong sa mas madaling pagtatrabaho.

Ang problema lamang aniya ay baka kuhanin naman ng Abu Sayyaf group ang mga traktora ng mga magsasaka at gawin nilang transportasyon.

Kaya naman babala ng Pangulo sa mga bandido at teroristang Abu Sayyaf group, wag subukang guluhin ang mga taga-BARMM dahil may utos na siya sa mga ito na kapag nanggulo ay puputulan sila ng ulo.

Facebook Comments