Natanggap na ng mga benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa Alaminos City ang kanilang mga sahod matapos nilang sumailalim sa sampung araw na pagtatrabaho.
Mula ang TUPAD Program sa Department of Labor and Employment kung saan layunin nitong makatulong sa mga nasa informal sectors na mabigyan sila ng trabaho at mabigyan ng tugon ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ang pagkakaroon naman ng ganitong programa sa lungsod ng Alaminos ay mula naman sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan nito kung saan naging maayos namang pag-iimplementa nito sa tulong na ring ng Public Employment Services Office (PESO), City Agriculture Office, City Cooperatives Office, Alaminos City Jail at Parole and Probation Office-Alaminos City.
Nakapunta rin sa payout si DOLE Chief Labor and Employment Officer Darwin Hombrebueno at Board Member Napoleon C. Fontelera, Jr. |ifmnews
Facebook Comments