Mga benepisyaryong non-compliant, tatanggalin sa 4Ps – DSWD

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tatanggalin ang mga benepisyaryong hindi sumusunod sa ilalim ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Ang DSWD ay naglabas ng bagong guidelines para sa pag-aalis ng “persistently” non-compliant 4Ps beneficiaries.

Ang guidelines ay ipinatupad nitong first period sakop ang mga buwan ng Pebrero at Marso para sa Compliance Verification o Payment Cycle para sa taong 2021.


Batay sa Section 12 ng Republic Act 11310 o 4Ps Act, ang mga kwalipikadong household-beneficiary na hindi sumusunod sa mga inilatag na kondisyon sa loob ng isang taon mula sa pagkakatanggap nila ng written notification ay tatanggalin sila sa programa.

Bibigyan ang non-compliant ng isang taon para patunayan na kaya nilang sumunod sa mga kondisyon ng programa.

Ang 4Ps ay gumagamit ng conditional cash transfer scheme para magbigay ng cash grants sa mga benepisyaryong sumusunod sa mga kondisyon ng programa:

–              Ang mga batang may edad 3 hanggang 18 ay dapat naka-enroll sa kindergarten, elementary, at high school at 85-porsyentong pumapasok kada buwan.

–              Ang mga batang may edad 0 hanggang 5 ay dapat regular na nakatatanggap ng preventive health check-ups, growth monitoring, at bakuna.

–              Ang mga buntis ay dapat mayroong pre- at post-natal care

–              Ang mga batang nag-aaral sa elementary ay dapat nakatanggap ng de-worming pills dalawang beses sa isang taon

–              Dapat dumadalo ang grantee/magulang/guardian kada buwan sa Familiy Development Session (FDS).

Mula noong 2008, ang Pantawid Pamilya ay tumutulong para sa human capital development at sa kalusugan at edukasyon ng mga mahihirap na pamilya partikular sa mga batang may edad 0 hanggang 18.

Facebook Comments