Mga benepisyo mula sa gobyerno, pinadadaan sa mga pawnshops at private banks

Hiniling ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong sa gobyerno na idaan na rin ang mga benepisyo na natatanggap ng mga Pilipino sa mga pawnshops at pribadong bangko.

 

Tinukoy ng mambabatas ang kakulangan ng mga branches ng Landbank partikular na sa mga probinsya kung saan dito lamang make-claim at mawi-withdraw ang mga benepisyo tulad ng 4Ps, loan at benefits.

 

Aniya, karamihan ng kanyang mga constituents na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program at ang iba pa na kumukuha ng PhilHealth, GSIS, SSS, PAGIBIG at PVAO benefits ay bumabyahe pa ng malayo para makapunta sa mga government offices, government bank branch o ATM para kuhain ang benepisyo.


 

Ito ay dahil maraming bayan ang may kaunti o walang access sa formal financial system kaya kinakailangan na magkaroon ng ibang financial mode para sa micro-savings, micro-finance at micro-insurance bilang solusyon.

 

Dahil mahal ang pag-set up ng operasyon ng mga lite branches at ATM, maaari aniyang makipag-ugnayan at magset ng link ang government banks at agencies sa mga pawnshop at pribadong bangko sa buong bansa.

Facebook Comments