Mga benepisyo para sa senior citizen sa Maynila, inilatag na ng Manila City Government

Good news para sa mga lolo at lola sa Lungsod ng Maynila.

 

Ito ay dahil may inilatag ng mga benepisyo para sa kanila ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila partikular ang Office of Senior Citizen Affairs.

 

Pangunahin dito ang libreng sine sa mga lola at lola sa mga sinehan sa Maynila tuwing Lunes, Martes at Huwebes.


 

Libre din ang parking ng mga senior citizen sa lahat ng establisyemento sa lungsod, tulad sa mga malls, ospital at iba pang parking areas.

 

Simula naman sa susunod na taon ay pagkakalooban ng 500-pesos kada buwan ang mga senior citizen.

 

Magkakaroon din ng birthday gift ang Manila City Government para sa mga senior citizen pero kailangan pa ng ordinansa para yan ay maipatupad.

 

May tsansa din na magkaroon ng trabaho ang mga senior citizen sa lungsod basta makipag-ugnayan lang sila sa public employment service office na ang tanggapan ay nasa Manila City Hall.

Facebook Comments