Manila, Philippines – Inisa-isa ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta ang mga benepisyong makukuha ng Pilipinas sa pagbisita doon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sorreta, una na rito ang pagpapatibay sa military weaponry ng bansa – isa sa talagang pakay ng Pangulo para sa kakayahang makipagsabayan sa panloob at panlabas na laban ng bansa.
Sabi pa ni Sorreta, hindi lang handang magbenta ang Russia ng maka-bago at de kalidad na mga armas kundi handa nitong sanayin ang Pilipinas sa paggamit ng mga ito.
Pero nilinaw ni Sorreta na sakaling maisara ang arms deal at mas maging maayos at malawak ang defense cooperation ng Pilipinas sa Russia – hindi mangangahulugan na kapantay na nito ang kasalukuyang kasunduan ng Pilipinas sa Amerika.
Dagdag pa ni Sorreta, malaki rin ang posibilidad na mapirmahan ang mga kasunduang makapagbibigay ng maraming job opportunities sa mga Pilipino pati na ang pagpasok ng investors.
Maayos naman aniyang kausap o ka-deal ang mga Ruso at malaki rin ang respeto nito sa mga polisiya ng ibang bansa.
DZXL558